14. Ang Pagdakip kay Jesus


Ito na marahil ang pinakasikat at pinipintuhong larawan ni Kristo sa lungsod ng Meycauayan, na higit na kilala sa kanyang bansag na Santong Gapos. Pintakasi ito ng mga lupaing sakahan ng Meycauayan, at bawat taon ay inililipat sa isang barrio sa kabilang gawi ng tulay ng Meycauayan. Ayon sa tradisyon, tanging sa mga Mahal na Araw lamang maaaring itawid ang Kristong nakagapos sa tulay patungong simbahan at kagyat na dapat ibalik sa kabilang ibayo ng tulay matapos ang prusisyon ng Biyernes Santo.

Isama po natin sa ating mga panalangin ang mga intensyon ng pamilya ni Gng. Oliva Pedro-Francia at ng Kapatiran ng Mahal na Poong Jesus na Nakagapos na nangangalaga sa imaheng ito.


O Mahal na Poong Jesus na Nakagapos, Señor ng Meycauayan, maawa Ka sa amin!


(Larawang kuha ni Francis Sales.)

Walang mga komento:

Mag-post ng isang Komento